^

PSN Palaro

Jimenez kinondena ng PMA

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinondena ng Philippine Medical Association ang paghahayag ni Dr. Rustico Jimenez, ang presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines, na may nakikita siyang sintomas ng Parkinson’s disease kay Manny Pacquiao.

Ayon kay PMA president Modesto Llamas, hindi tama na ihayag ng isang duktor ang kanyang opinyon hinggil sa isang tao na hindi pa niya nasusuri nang personal kagaya ng kaso ni Pacquiao.

“As a policy, we at PMA must not issue such statement on the alleged medical condition of Pacquiao unless he has been diagnosed and undergone examinations,” ani Llamas sa isang press conference.

Ang pahayag ni Jimenez, kasama si forensic pathologist Dr. Raquel Fortun, mula sa panayam ng radio program na DZMM ay base sa kanilang obserbasyon sa Sarangani Congressman.

“Supposedly, if Pacquiao is Jimenez’s patient, the findings must be treated with confidentiality and that could only be announced if there is a patient’s approval. In this case, Pacquiao is not his patient, therefore Jimenez is not allowed to take up the matter of alleged Parkinson’s disease,” ani Llamas.

Humingi naman ng tawad si Jimenez sa Filipino world eight-division champion at inamin ang kanyang pagkakamali.

“I’m not labeling Congressman Pacquiao as having Parkinson’s di­sease,” sabi ni Jimenez sa panayam ng ABS-CBN News. “Observation ko lang ‘yun. Ang sinasabi ko, magpa-test siyang mabuti.”

“Kung nasaktan siya because of my observation, eh humihingi na ko ng apology sa kanya,” dagdag pa nito.

Sumailalim si Pacquiao sa isang MRI sa Cardinal Santos Medical Center sa Maynila kung saan na­patunayang negatibo sa anumang head injuries apat na araw matapos ang kanyang kabiguan kay Marquez.

Sinuri kamakailan ni Dr. Regina Bagsic, ang personal physician ni Pacquiao, at Dr. Roland Dominic Jamora, isang neurologist na dating namuno sa Movement Disorder Center ng St. Luke ‘s Medical Center, ang Filipino boxing icon.

Kapwa sinabi nina Bagsic at Jamora na wala silang nakitang sintomas ng Parkinson’s disease sa 34-anyos na si Pacquiao.

CARDINAL SANTOS MEDICAL CENTER

CONGRESSMAN PACQUIAO

DR. RAQUEL FORTUN

DR. REGINA BAGSIC

DR. ROLAND DOMINIC JAMORA

DR. RUSTICO JIMENEZ

JIMENEZ

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with