^

PSN Palaro

Informatics ginulat ang Big Chill

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginamit ng Informatics ang malakas na laro sa first half para makuha ang mahalagang kumpiyansa at wakasan ang walong su­nod na kabiguan sa pa­­mamagitan ng 94-87 tagumpay sa Big Chill sa PBA D-League Aspirants Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Quezon City.

Umalagwa ang Icons sa 28-18 sa unang yugto at itinala ang 20 puntos kalamangan sa kalagitnaan ng ikalawang yugto bago nakontento sa 54-37 abante sa halftime.

Si Moncrief Rogado ay nagpakawala ng 26 puntos habang tatlong iba pa ang may 13 puntos pataas para matiyak na hindi mabobok­ya ang bagitong koponan.

“Last Monday, the top management assured us that we will be joining the next conference. Mataas ang morale nila,” wika ni Icons coach Jonathan Reyes.

Malaking dagok naman ang pagkatalong ito ng Super Chargers dahil bumaba sila sa  ikaapat na puwesto sa 5-4 baraha at lalong lumabo ang paghahabol sa number  2 spot at ang twice to beat advantage.

Napababa ng tropa ni coach Robert Sison ang pinakamalaking bentahe na 21 puntos sa pito, 86-79, pero kumana ng walong puntos sa free throw line ang Icons para hindi mapurnada ang pinakaaasam na panalo.

Sa unang  laro, nai­­angat ng Boracay Rum ang kanilang winning streak sa apat na sunod gamit ang 62-58 panalo sa Café France.

May nangungunang 15 puntos si Roider Cabrera at siyam ang ginawa sa huling yugto para makasalo ng Waves ang Bakers sa ikapito at walong puwesto, kapos lang ng isang laro sa Fruitas at Jose Rizal University (4-4).

Ang dalawang free throws ni Cabrera sa hu­ling 7.2 segundo sa orasan ang nagbigay ng apat na puntos na kalamangan sa tropa ni coach Lawrence Chongson para lumakas pa ang paghahabol sa puwesto sa quarters.

 

BIG CHILL

BORACAY RUM

D-LEAGUE ASPIRANTS CUP

JONATHAN REYES

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LAST MONDAY

LAWRENCE CHONGSON

PUNTOS

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with