^

PSN Palaro

Smith pinagmulta ng ABL

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagmulta si Indonesia Warriors Fil-Am 6’7 forward Richard Smith ng ASEAN Basketball League (ABL) dala ng ‘di magandang ikinilos laban kay San Miguel Beermen center Asi Taulava na muntik ng nauwi sa suntukan ng dalawa.

Nakita sa review ng tape ng laro na nangyari noong Enero 11 sa Maha­ka Square sa Indonesia na binangga ng balikat ni Smith si Taulava sa puntong nagkakamayan na ang dalawang kampo.

Napanood ng mga tao ang ‘di magandang inasal ni Smith dahil ang laro ay isinaere sa ESPN.

Nanalo ang Beermen sa Warriors, 64-53, para bawian kahit paano ang masaklap na kabiguan na nangyari sa San Miguel sa finals nila ng Indonesia noong nakaraang season.

“The league reviewed the video evidence and has concluded that this is considered unsportsmanlike behavior as outlined in the league’s rules and regulation,” wika ng liga sa naging desisyon.

Pagmumultahin ng hindi batid na halaga si Smith pero makakasama siya sa koponan sa susunod nilang laro laban sa Saigon Heat sa Enero 19. Hindi umapela ang Warriors sa desisyon ng liga.

Pahinga rin ang Beermen dahil sa Enero 26 pa ang sunod nilang laro laban sa Saigon at upang hindi kalawangin ay sumasai­lalim ang koponang hawak ni coach Leo Austria sa mga tune-up games.

Kinaharap ng Beermen kahapon ang Barako Bulls na kanilang inilampaso, 97-77.

Si Gabe Freeman na nagtala lamang ng 8 puntos laban sa Indonesia dahil sa pagkakalagay sa foul-trouble ay mayroong 31 puntos habang sina Brian Williams, Chris Banchero at Taulava ay naghatid ng 18, 12 at 12 puntos.

Ang Bulls ay ibinandera ng dating Warriors import Evan Brock na tumapos taglay ang 12 puntos.

Sa Biyernes ay kalaban ng Beermen ang Ginebra San Miguel at sa susunod na linggo ay makakasukatan ang Petron sa tune-up games.

ANG BULLS

ASI TAULAVA

BARAKO BULLS

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

BRIAN WILLIAMS

CHRIS BANCHERO

ENERO

EVAN BROCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with