^

PSN Palaro

33-pts. ni Durant gumiba sa Blazers

Pilipino Star Ngayon

PORTLAND, Ore.--Sa likod ng 33 puntos ni Kevin Durant, nagwakas  ang siyam na sunod na pananalasa ng Portland sa Rose Garden nang  itakas ng Oklahoma City ang 87-83 panalo laban sa Trail Blazers noong Linggo.

Nagdagdag si Russell Westbrook ng 18 puntos at siyam na assists para sa Thunder, na lumaro na wala ang starters na sina Serge Ibaka at Thabo Sefolossha dahil sa injuries.

Naglista naman si LaMarcus Aldridge ng 33 puntos at 11 rebounds para sa Blazers na naghabol sa 112 puntos kung saan nakalapit lamang sila sa isang puntos mahigit isang minuto na lamang ang nalalabi.

 Ang triples ni Westbrooks ang naghatid sa Thunder sa 84-74 may 3:35 ang nalalabi, ngunit nagawang makalapit ng Blazers sa 84-80 mula sa putback ni Nicolas Batum may 1:57 na lang sa oras.

Muling umiskor si Batum ng tres sa huling 21.9 segundo para sa 84-83 pagkakalapit.

Sa San Antonio, kumana si  Tony  Parker ng 20 puntos at nag-ambag naman si Tim Duncan ng 14 puntos, siyam na rebounds at pitong supalpal upang banderahan ang San Antonio Spurs sa 106-88 pananaig laban sa Minnesota Timberwolves at palawigin ang kanilang home winning streak sa 12 games.

Sa iba pang laro, hiniya ng New York ang New Or­leans, 100-87; itinumba ng Milwaukee ang Toronto, 107-96; binomba ng Brooklyn ang Indiana, 97-86 at naungusan ng Denver ang Golden State, 116-105.

 

vuukle comment

GOLDEN STATE

KEVIN DURANT

MINNESOTA TIMBERWOLVES

NEW OR

NEW YORK

NICOLAS BATUM

OKLAHOMA CITY

PUNTOS

ROSE GARDEN

RUSSELL WESTBROOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with