San Miguel Beermen nagpalakas para sa hangad na korona ng 2013 ABL season
MANILA, Philippines - Bagong head coach, masisipag na imports at deÂterminadong locals ang maaaring magresulta sa kamÂpeonato ng San Miguel Beermen sa 4th season ng ASEAN Basketball League.
Pinangunahan ng bagong talagang head coach Leo Austria at mga imports Gabe Freeman at Brian Williams ang pagpapakilala sa bagong bihis na Beermen sa kauÂna-unahang PSA Forum sa 2013 na idinaos kahapon sa Shakey’s Malate.
“Ibang team ito ngayon dahil legitimate ang mga plaÂyers namin sa bawat puwesto. We also have good imÂports at di tulad last year na parehong malalaki, may fleÂxibility kami dahil si Gabe ay puwedeng maglaro sa 3, 4 o 5, habang si Brian ay malakas sa ilalim,†wika ni Austria, ang dating assistant coach na pinalitan ang dating mentor Bobby Parks, Sr. na may dinaramdam sa katawan.
Nasa koponan pa rin ang ABL Regular Season MVP Leo Avenido bukod pa kay Fil-Am guard Chris BanÂchero at Chris Luanzon. Pero pinalakas ang locals sa pagpasok nina Asi Taulava, Eric Menk, RJ Rizada, Val Acuña, JR Cawaling, Paolo Hubalde, Axel Doruelo at Michael Burtscher.
“We have a great team and all of us have only one thing in mind and that is to win this title,†wika ni Freeman, dating tinulungan ang San Miguel na manalo sa PBA noong 2009 at gustong ibigay sa Beermen ang ABL title para makuha ang kanyang ikalawang titulo sa liga maÂtapos igiya ang Philippine Patriots sa unang taon ng ABL noong 2009.
Ang Indonesia Warriors na siyang kampeon sa ikatÂlong season at tinalo ang Beermen sa deciding Game Three ang siyang inginuso ni Austria na “team to beatâ€.
Pero kumbinsido siya sa tsansa ng koponan lalo na kung mawawala ang labis na pagkukumÂpiyansa.
“Walang kuwenta ang talent ng isang team kung waÂlang disiplina. Sa sobrang lakas ng team last year ay saÂkit nila ang mag-complacent. Ito ang hindi dapat na mangyari this year at dapat ay hard work sila sa bawat laÂro,†dagdag pa ni Austria sa Beermen.
- Latest