^

PSN Palaro

Ex-Pres. Estrada tatakbo sa Stags Run 3

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni da­ting Pangulong Joseph Estrada ang mga sasali sa Stags Run 3 na  makikilala rin bilang “Takbo Para sa Bokasyon” sa Enero 13 sa ASEANA City sa pagitan ng Mall of Asia at Macapagal Boulevard.

“Former President Joseph Estrada has confirmed his participation in our race. It’s a big boost in our event and our hopes of generating funds to help our apostolate missions here and abroad,” wika ni San Sebastian College-Recoletos president Fr. Christopher Maspara, OAR.

Kumbinsido ang nagpapatakbo na mahihigitan ang mahigit na 5,000 tumakbo sa nagdaang edisyon para mas makatulong sa aposto­lates sa Sierra Leone sa West Africa at sa malayong barangay sa Palawan.

Ang entry fee sa mga sasali ay P500.00 at maaari silang tumakbo sa 3-k, 5-k at 10-k distansya.

Si Estrada ay kilalang tumataguyod sa mga progra­ma para sa ikagaganda ng katawan ng isang tao kaya’t maging ang kanyang staff ay tatakbo.

Bukod kay Estrada, ang iba pang malaking persona­lidad na mula San Sebastian na makikiisa ay sina PBA players Calvin Abueva at Rommel Adducul bukod pa kina NCAA MVP Ian Sangalang at JC Tiuseco.

 

CALVIN ABUEVA

CHRISTOPHER MASPARA

FORMER PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

IAN SANGALANG

MACAPAGAL BOULEVARD

MALL OF ASIA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

ROMMEL ADDUCUL

SAN SEBASTIAN

SAN SEBASTIAN COLLEGE-RECOLETOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with