Looking Forward
Anu-ano ba ang puwede natin asahan sa darating na taong 2013?
Sa larangan ng sports, marami.
Sa boxing na lang, tiyak na hindi tayo mauubusan ng mga laban na dapat nating panoorin.
Nandiyan ang ating mga world champion na sina Nonito Donaire Jr., Brian Viloria, Donnie Nietes at Johnriel Casimero.
Marami pang iba gaya nina Drian Francisco, Denver Cuello, AJ Banal, Boom Boom Bautista at Mercito Gesta.
At siyempre, si Manny Pacquiao.
Hindi ako naniniwalang magreretiro na si Pacquiao matapos ang isang kakila-kilabot na knockout na sinapit niya sa mga kamay ni Juan Manuel Marquez.
Ang feeling kasi ni Pacquiao ay nasingitan lang siya ni Marquez ng isang matinding right straight nung Dec. 8 sa Las Vegas.
Inamin naman ni Pacquiao ang kanyang pagkatalo pero sa isang banda, may paniwala siya na natsambahan siya ni Marquez.
Lamang siya sa scorecards at nakipagpalitan na ng knockdowns ng siya ay hagupitin ni Marquez ng isang pamatay na suntok sa nguso.
Gusto pang lumaban ni Pacquiao at bagamat dalawang talo ang sinapit niya sa 2012, makakaasa tayo na muli siyang babangon.
Si Donaire naman, tiyak na kaliwat-kanan ang laban sa darating na taon. Apat na laban ang kanyang ipinanalo sa 2012 at dahil dito ay mukhang kasado na siya para sa Fighter of the Year award.
Mainit si Donaire at nagsabi na siya na kung may pagkakataon na lumaban ulit siya ng apat na beses ay haharapin niya ang challenge.
Kahit sino daw lalabanan niya.
Mataas din ang expectations ko kay Viloria na habang nagkakaedad ay parang lalung gumagaling.
Sila Nietes at Casimero naman ay nariyan lang naghihintay ng malaking laban.
Sana ay madagdagan pa ang mga world champions natin kahit na ngayon lang yata sa history natin na nagkasabay-sabay ang mga world champions natin.
Mahawa sana ang iba sa galing at tapang nila.
Happy New Year!
- Latest