Austria coach ng Beermen kapalit ni Parks sa ABL
MANILA, Philippines - Isang pares na PBA veterans ang susubukang bigyan ng kampeonato ang San Miguel Beermen sa Asean Basketball League (ABL) ngayong season kasabay ng pagkakahirang kay Leo Austria bilang bagong head coach.
Ipaparada rin ng Beermen ni Austria sina imports Gabe Freeman at Brian Williams para sa ABL season.
Ang 39-anyos na si Asi Taulava at ang 38-anyos na si Eric Menk ang inaasahang babandera sa Beermen, tinalo ng Indonesia Warriors sa nakaraang ABL finals.
“They’re in excellent shape, like they’re out to prove something,” wika ni San Miguel director of sports Noli Eala. “Our goal is to win the title and they’ll play a major role.”
Kaagad na makakaharap ng Beermen ang Warriors sa Enero 11 sa Jakarta.
Nagkaroon sila ng Christmas break noong Biyernes at magbabalik sa gym sa Miyerkules.
Darating naman sina Freeman at Williams sa susunod na mga araw sa pagbabalik-ensayo ng mga Beermen, ayon kay team manager Rico Meneses.
Bukod kina Taulava at Menk, ipaparada rin ng San Miguel sina Leo Avenido, R. J. Rizada, Christian Luanzon, Chris Banchero, Axel Doruelo, Paolo Hubalde, J. R. Cawaling, Val Acuna, Mike Burtscher at Hans Thiele.
Ang 6-foot-5 na si Freeman ay isang two-time PBA Best Import awardee, habang ang 6’10 na si Williams ay nagtatala ng mga averages na 20.8 points at 14.4 rebounds para sa Westports Malaysia Dragons sa ABL sa nakaraang season.
- Latest