^

PSN Palaro

Perpetual tossers umukit uli ng panalo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang bangis sa laro ni Sandra delos Santos para kunin din ng nagdedepensang Perpetual Help ang 25-12, 25-21, 25-19, panalo laban sa Letran sa 85th NCAA women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi napigil ang net game ni Delos Santos na kumubra ng 15 kills tungo sa 17 puntos habang ang mga kasamahan na sina April Jane Sartin at Norie Jane Diaz ay naghatid ng tig-11 puntos.

Tig-10 ang pinakawalan nina Sarah Jane Espelita at Melissa Cu para sa Lady Knights na bumagsak sa ikaapat na sunod na pagkatalo.

May 40-27 bentahe sa attacks ang Lady Altas pero nakatulong pa sa panalo sa larong umabot ng 55 minuto lamang ay ang 28 errors ng Letran.

Nanatili sa ikalawang puwesto ang San Beda nang kunin ang ikaapat na tagumpay sa limang laro sa pamamagitan ng 25-16, 12-25, 25-16, 27-25, panalo sa Emilio Aguinaldo College sa isa pang women’s play.

Binigo nina Mona Liza Diolazo at Kimi dela Vega ang asam ng Lady Gene­rals na mapaabot sa deciding fifth set ang tagisan nang kunin ang huling dalawang mahalagang puntos sa fourth set.

Naispatan ni Diolazo ang butas sa depensa ng EAC bago ang service ace ni Dela Vega para ipatikim sa Lady Generals ang unang kabiguan matapos ang tatlong sunod na panalo.

Si Janine Marciano ay may 24 puntos, kasama ang 20 hits, si Diolazo ay mayroong 9 kills at 1 block tungo sa 12puntos at si Dela Vega ay may tatlong service aces tulad ni Marciano.

Napalaban naman ang nagdedepensang kampeon sa kalalakihan na Perpetual Help Altas sa Knights bago naiuwi ang 22-25, 25-23, 19-25, 26-24, 15-11, panalo at maiangat ang malinis na karta sa kalalakihan sa 5-0.

 

vuukle comment

APRIL JANE SARTIN

DELA VEGA

DELOS SANTOS

DIOLAZO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

LADY ALTAS

LADY GENE

LADY GENERALS

LADY KNIGHTS

LETRAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with