^

PSN Palaro

Manny pinagreretiro na ni Mommy D.

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng ina ng Pambansang kamao na si  Mommy Dionisia Pacquiao na kung siya lamang ang masusunod ay mas gusto niyang magretiro na lamang si Manny Pacquiao matapos itong matalo ni Juan Manuel Marquez sa kanilang laban kahapon para sa “Champion of the Decade belt” sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Sinabi ni Mommy Dionesia, ganyang naman talaga ang labanan, may nananalo at may natatalo kaya dapat tanggapin ang nangyari sa kanyang anak matapos matalo kay Marquez.

“Tama na. Kung ako ang magdesisyon, gusto ko nang magpahinga na siya. Politician naman siya, duon na lang siya magsilbi sa tao,” wika pa ni Mommy D.

Bahagyang sinisi rin ni Mommy D. ang pagpapalit ng relihiyon ng kanyang anak kung saan ay pinaalalahanan pa nito ang Pambansang kamao na dapat ay hindi niya iniwan ang ‘sign of the cross’ dahil  yan ang nagpayaman sa kanya noon.

“Gusto ko ‘wag niyang iwanan ang sign of the cross kasi yan ang nakayaman sa kanya noon,” wika pa ng ina ng Sarangani Congressman.

Samantala, Ipinahiwatig naman ng boxing promoter na si Bob Arum na posib­leng magkaroon ng Pacquiao-Marquez 5 fight.

Pero sinabi naman ng American coach na si Freddie Roach, kapag sa sandaling bumalik sila sa gym ni Pacquiao at nakitaan na nito ang paghina ang Pambansang kamao ay siya na mismo ang magpapayo dito na magretiro na sa boxing.

 

BOB ARUM

CHAMPION OF THE DECADE

FREDDIE ROACH

GRAND ARENA

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MOMMY D

MOMMY DIONESIA

PAMBANSANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with