^

PSN Palaro

Abaniel muling magtatangka sa titulo vs Thai boxer

Pilipino Star Ngayon

YEREVAN, Armenia – Ipin­agdiwang ni Eumir Felix Mar­cial, ang 2011 AIBA World Junior champion, ang kanyang debut sa World Youth Championships nang umiskor ng 15-14 panalo laban kay Ka­zakhstan National Youth tit­list Timur Pirnazarov sa Ka­ren Demirchyan Sports Com­plex.

Kabuuang 367 boxers mu­la sa 68 bansa ang lu­mahok sa torneo para sa mga boksingero may edad 17 hanggang 18-anyos

Nagtabla sina Marcial at Pirnazarov sa first round, 4-4, at second round, 8-8.

Ngunit mas naging epek­tibo ang kaliweteng bok­­singero mula sa Zam­bo­anga sa pamamagitan ng kanyang mga left straights na tumama sa ulo ng Kazakh.

Umakyat si Marcial mu­la sa flyweight (52 kg) hanggang sa lightweight (60 kg) sa nakaraang taon.

Lalaban naman sa light flyweight si Jade Bornea (49 kg) kontra kay Dmit­rys Zaharovs ng Latvia at si bantamweight Jonas Ba­cho (56 kg) laban kay ve­teran internationalist Nur­sultan Bisanbaye ng Uz­bekistan.

Si flyweight Ian Clark Bautista ay nakakuha ng bye at sa Linggo lalaban.

 

DEMIRCHYAN SPORTS COM

EUMIR FELIX MAR

IAN CLARK BAUTISTA

JADE BORNEA

JONAS BA

MARCIAL

NATIONAL YOUTH

SHY

TIMUR PIRNAZAROV

WORLD JUNIOR

WORLD YOUTH CHAMPIONSHIPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with