^

PSN Palaro

Gems tumiklop sa Rising Suns

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagtambal sina Chris Exciminiano at James Forrester sa mahalagang yugto ng laro upang hawakan ng Cagayan Valley Rising Suns ang 86-82 panalo sa Cebuana Lhuillier sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Quezon City.

May 24 puntos si Ex­ci­mi­niano habang 17 ang ginawa ni Forrester para sa Suns na nakitaan din ng tibay sa depensa sa end­game para umabante sa 4-1 karta.

Bumaba ang Gems sa 2-3 at nasayang ang hina­wakan na 82-81 bentahe sa huling 1:36 nang ma­pabayaan sina Forrester at Exciminiano.

Kumawala ng jumper si Forrester para agawin ng Suns ang kalamangan bago tinapos ni Exciminiano, na dating manlalaro ng Cebuana, ang hininga ng kalaban sa tatlong sunod na puntos.

Matapos ang split ni Exciminiano para sa dala­wang puntos na kalamangan, nagkaroon si Raymund Aguilar ng pagkakataon na itabla ang laro nang nalagay sa 15-foot line.

Pero sablay ang dalawang birada niya.

Nabalik pa sa Gems ang opensa pero nawala ang bola kay Aguilar na nagresulta sa puntos pa ni  Exciminiano.

Nagpasabog naman si Mike Parala ng 20 puntos mula sa 9-of-10 shooting upang pamunuan ang  78-66 panalo ng Café France sa Informatics.

Dikitan ang labanan sa loob ng tatlong yugto bago rumatsada ng 6-0 start ang Bakers para maiwanan na ang Icons.

Ito ang ikatlong panalo ng Bakers matapos ang limang laro.

vuukle comment

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER

CHRIS EXCIMINIANO

D-LEAGUE ASPIRANTS

EXCIMINIANO

FORRESTER

JAMES FORRESTER

MIKE PARALA

QUEZON CITY

RAYMUND AGUILAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with