NLEX umukit ng kasaysayan sa kanilang panalo sa Fruitas
MANILA, Philippines - Binago ng NLEX ang kasaysayan sa basketball sa bansa sa kinuhang 92-73 panalo laban sa Fruitas sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.
May 15 puntos si Borgie Hermina habang 13 puntos at 11 rebounds ang naihatid ni Fil-Am Mat Ganuelas para katampukan ang dominasyon ng Road Warriors na inangkin ang ikalimang sunod na panalo at 22 sunod sapul noong Enero 30.
Ang winning streak na ito ay higit na ng isa sa 21-0 na ginawa ng Crispa Redminizers sa PBA upang maging bagong record.
“Sinabi ko lamang sa kanila na maglaro ng mabuti para mapabilang sa history. Maayos naman nilang tinugon ito,” wika ni NLEX coach Boyet Fernandez.
Kulang sa puwersa ang Fruitas dahil hindi nila nagamit ang serbisyo ng 6’7 Olaide Adeogun upang bumaba sa 1-3 karta.
Umangat sa apat ang sunud-sunod na pagpapanalo ng Big Chill sa pamamagitan ng 68-59 panalo sa Boracay Rum habang ikatlong dikit ang nakuha ng Blackwater Sports sa 88-83 panalo sa Jose Rizal University sa dalawang iba pang laro.
Sinandalan ng Super Chargers ang 11 puntos sa huling yugto ni Terrence Romeo para bawiin ang momentum na tila hinawakan na ng Waves na lumamang ng isa, 48-47, matapos ang tatlong yugto.
Nalaglag ang Waves sa 0-5 baraha habang ang Heavy Bombers ay lumasap ng ikatlong pagkatalo laban sa isang panalo.
NLEX 92 – Hermida 15, Salva 14, Ganuelas 13, Long 12, Sanggalang 11, Camson 6, Pascual J. 5, Alas 4, Lanete 4, Escoto 3, Amer 3, Pascual R. 2, Garcia 0.
Fruitas 73 – Escobal 25, Lastimosa 15, Belleza 9, Colina 6, Escueta 6, Terso 4, Dela Rosa 3, caram 2, Pascual 2, Silungan 1, Koga 0,
Quarterscores: 14-9, 44-29; 70-54; 92
- Latest