^

PSN Palaro

Go kay Lopez: Magkaisa tayo vs Cojuangco

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkaisa tayo.

Ito ang hiling ni athletics president Go Teng Kok sa grupo na pinamumunuan ni Manny Lopez na lalabanan ang tiket ni Jose Cojuangco Jr. sa gagawing POC election sa Nobyembre 30 sa Alabang Country Club.

Ayon kay Go na nais na tumakbo sa pampanguluhan ng POC, iisa lamang ang kanilang ipinaglalaban ng kabilang grupo at ito ay ang makamtan ang pagbabago sa POC kaya’t mas mabuti sa kanila kung magkakaisa sila.

“They (opposition) are clamoring for reform. I am challenging Peping because I also want change,” ani Go.

Pinatamis pa ng kontroberyal na pangulo ng NSA ang kanyang alok na magkaisa nang ihayag ang kahan­daan na bitiwan agad ang puwesto sakaling manalo kay Cojuangco.

Gagawin niya ito upang bigyan ng laya ang mga NSAs na tunay na makapamili ng mga taong nais nila na manguna sa National Olympic Committee (NOC) hanggang 2016.

Alam ni Go na marami ang natatakot kay Cojuangco kaya’t minabuting manahimik na lamang at umiwas sa pagtakbo sa pinakamataas na puwesto sa POC.

Sa ngayon ay pinaghahandaan ni Go ang pagdulog sa korte para magpalabas ng Temporary Restraining Order at pigilan ang nakatakdang halalan lalo pa’t patuloy na nakabitin ang kanyang pagtakbo ng POC election committee.

Sina Victorico Chaves, Ricky Palou at Bro Bernie Oca ay nagpulong noong Huwebes para talakayin ang problema kay Go na may suporta ng Supreme Court pero ang desisyon ay hindi pa inihahayag at sinasabing sa Lunes na maipapaalam. Delaying tactics umano ito at hindi na magpapatumpik-tumpik pa si Go na dudulog sa Korte para walang mangyaring eleksyon.

 

vuukle comment

ALABANG COUNTRY CLUB

BRO BERNIE OCA

COJUANGCO

GO TENG KOK

JOSE COJUANGCO JR.

MANNY LOPEZ

NATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

RICKY PALOU

SINA VICTORICO CHAVES

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with