^

PSN Palaro

Blackwater, NLEX wagi

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naipasok ni Gio Ciriacruz ang mahalagang tres habang sablay naman ang pinakawalan ni Mike Silungan upang makuha ng Blackwater Sports ang 69-64 panalo laban sa Fruitas Shakers sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa San Juan Gym.

Ang malayong buslo ni Ciriacruz ang bumasag sa huling tabla sa laro sa 60-all habang ang apat na dikit na puntos nina Jeric Fortuna at Kevin Ferrer ang nagtulak pa sa Elite na hawakan ang 67-62 kalamangan.

Idinikit ni Jason Es­cueta ang Fruitas sa tatlo bago nahiritan ng 24-seconds violation ang kalaban para bumalik ang bola sa bagu­hang team may 16 segun­do sa orasan.

Ngunit dalawang be­­ses sumablay ang pina­kawalang tres ni Silungan at ang huling dalawang puntos ay inangkin ni Fortuna sa free throw line at ang  tropa ni coach Leo Isaac ay umangat sa 2-1 baraha.

Sina Ferrer at Fortuna ay may 18 at 10 puntos habang 9 ang iniambag ni Ciriacruz na dating manlalaro ni Isaac sa Arellano University.

May 17 puntos si Carlo Lastimosa habang 14  pun­tos, 10 rebounds at 3 blocks ang ibinigay ni Adeogun para sa Fruitas na bumagsak sa 1-2 karta.

Nadugtungan naman ng NLEX ang winning run sa apat na sunod nang kunin ang 88-81 panalo sa Informatics Icons.

Nakitaan ng husay sa free throw shooting ang Road Warriors matapos makadikit ang Icons sa apat, 79-83, sa tres ni Brian Cruz, para ikasa rin ang ika-21 sunod na tagumpay.

May 16 puntos at 8 re­bounds si Ian Sangalang para sa NLEX habang si Moncrief Rogado  ay may 21 puntos  para sa Icons na nalaglag sa 0-3 karta.

ARELLANO UNIVERSITY

BLACKWATER SPORTS

BRIAN CRUZ

CARLO LASTIMOSA

CIRIACRUZ

D-LEAGUE ASPIRANTS

FORTUNA

FRUITAS

FRUITAS SHAKERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with