^

PSN Palaro

Malaking bilang ng runners inaasahang lalahok sa Condura Skyway Marathon

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatarget ng organi­zers ng Condura Skyway Marathon ang hindi bababa sa 2,500 runners ang sasali sa 42.195-k marathon na gagawin sa Pebrero, 2013.

Ipinagmalaki ni Ton Concepcion, ang chief orga­nizer ng natatanging marathon na dumadaan sa Skyway, na umabot na sa 1000 runners ang nagpatala na tatlong araw lamang matapos buksan ang pagtanggap ng entries sa patakbo.

“A total of 1000 runners have registered after only three days of registration. We expect 2500 full marathoners overall to compete and around 13,000 runners overall,” wika ni Concepcion nang bumisita sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Ito na ang ikaanim na edisyon ng patakbo na ang layunin ay makapagtanim ng mangroves sa Zamboanga de Sibugay bilang bahagi ng reforestation na ginagawa ng Philippine Tropical Forest Conservation Foundation na kinatawan sa pagpupulong ni An Rubenecia.

Si Neville Manaois ang race director  habang si Ba­by Lorenzo na kinatawan ng Asics ang kumumpleto sa mga bisita.

Bukod sa full marathon, idaraos din ang 21k, 10k, 6k at 3.8k dis­tance.

Tumutulong para matiyak ang tagumpay ng patakbo ang Century Tuna, 100 Plus, Coors Light, Dole, Magnolia Fresh Chicken, Monterey, Selecta, Magnolia Brown Eggs, Clear, LBC, Soleus, Rexona, Pond’s Master and Crimson, Acacia, Bellevue, AsiaTraval.com, The Philippine Star, Men’s Health Magazine, Runner’s World, UNO Ma­gazine, Women’s Health at Solar Sports.

AN RUBENECIA

CENTURY TUNA

CONDURA SKYWAY MARATHON

COORS LIGHT

HEALTH MAGAZINE

MAGNOLIA BROWN EGGS

MAGNOLIA FRESH CHICKEN

MASTER AND CRIMSON

PHILIPPINE STAR

PHILIPPINE TROPICAL FOREST CONSERVATION FOUNDATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with