^

PSN Palaro

Ramos mamandohan ang Barako laban San Mig Coffee q’finals seat asam ng TNT

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling tatangkain ng Tropang Texters na masungkit ang inaasam na unang tiket sa quarterfinal round ng 2012-2013 PBA Philippine Cup.

Sasagupain ng nagdedepensang Talk ‘N Text ang sister team na Meralco ngayong alas-7:20 ng gabi sa Yñares Center sa Antipolo City.

Sa unang laro sa alas-5:15 ng hapon ay makakatapat naman ng San Mig Coffee ang Barako Bull na itatampok ang bagong head coach na si Bong Ramos.

Nadiskaril ang pag-angkin ng Tropang Texters sa unang quarterfinals seat nang matalo sa Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings, 101-104, noong Linggo sa MOA Arena sa Pasay City.

Sa kabila nito, bitbit pa rin ng Talk ‘N Text ang liderato mula sa kanilang 7-2 record kasunod ang San Mig Coffee (6-2), Rain or Shine (6-3), Meralco (5-3), Alaska (5-5), Ginebra (4-5), Air21 (4-5), Petron Blaze (4-6), Barako Bull (3-6) at Globalport (1-8).

Nilusutan ng Talk ‘N Text ang Meralco sa overtime, 112-110, sa una nilang pagkikita noong Oktubre 5.

Samantala, isang four-game day suspension ang ipinataw ni PBA Commissioner Chito Salud kay referee Jimmy Ma­riano nang hindi nito tawagan ang paghampas ni Rob Re­yes ng Air21 sa mukha ni Alaska rookie Calvin Abueva sa kanilang agawan sa bola sa fourth quarter sa laro nila nong Miyerkules kung saan nagwagi ang Ex­press, 104-103.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL GIN KINGS

BONG RAMOS

CALVIN ABUEVA

COMMISSIONER CHITO SALUD

MERALCO

N TEXT

SAN MIG COFFEE

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with