^

PSN Palaro

Pierce bumandera sa panalo Celtics sinilat ang Wizards

Pilipino Star Ngayon

WASHINGTON --Mata-pos limitahan ng Boston ang Washington Wizards sa masamang 1-for-14 shooting sa pagsisimula ng laro ay nabigong makaiskor sa huling tatlong minuto, pinuri ni coach Doc Rivers ang ‘great defensive intensity’ ng kanyang Celtics.

Tinalo ng Boston ang Washington, 89-86, noong Sabado ng gabi.

Umiskor si Paul Pierce ng 27 points, kasama ang isang three-point shot sa dulo ng fourth quarter para sa Celtics, may 1-2 record ngayon.

Naglaro naman ang Wizards, may 0-2 baraha ngayon, na wala sina point guard John Wall, ang No. 1 overall pick sa 2010 draft, at center Nene.

“Our starts are so bad, you don’t know if you’re ever going to see daylight again. I didn’t know if the ... sun was coming up tomorrow. I truly didn’t,’’ sabi ni Wizards coach Randy Wittman matapos silang iwanan ng Celtics sa 2-17 sa first period.

Umiskor si Cartier Martin ng limang puntos sa 16-4 atake ng Washington para sa kanilang 86-84 abante sa huling tatlong minuto.

Isinalpak naman ni Pierce ang isang 3-pointer para iangat ang Boston kasunod ang kanilang depensa laban sa Washington na nagresulta sa dalawang freethrows ni Jason Terry sa natitirang 1.2 segundo.

Sa iba pang laro, tinalo ng Indiana ang Sacramento, 106-98; pinayukod ng Brooklyn ang Toronto, 107-100; ginitla ng Miami ang Denver, 119-116; binigo ng Portland ang Houston sa overtime, 95-85 at giniba ng New Orleans ang Chicago, 89-82.

CARTIER MARTIN

DOC RIVERS

JASON TERRY

JOHN WALL

NEW ORLEANS

PAUL PIERCE

RANDY WITTMAN

UMISKOR

WASHINGTON WIZARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with