^

PSN Palaro

2-time Olympian ng Japan lalahok sa Asian Duathlon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Bei­jing at London Olympics veteran Ai Ueda ng Japan ang mga dayuhang tutu­ngo sa Subic para lumahok sa Century Tuna ASTC Asian Duathlon Championships sa Nobyembre 25.

Bagamat Asian Duathlon ito, ang mga duathletes na hindi galing ng Asia ay lalahok din dahil gagamitin din ang torneo bilang qualifying event para sa 2013 Elite Duathlon World Championships (World Games).

Ang 29-anyos at may taas na 5’1 na si Ueda ay isa sa apat na pambato ng Japan at siyang inaasa­hang magiging paborito sa kababaihan sa 10-k run, 40-k bike at 5-k run dahil sa angking husay sa biking at running.

Bukod kay Ueda na tumapos sa ika-17th at 39th sa 2008 at 2012 Olympics sa triathlon, nakapasok na rin sa talaan si Singaporean Lin Zhiyun sa women’s side.

Ang mga nagpalista na sa kalalakihan ay sina Thomas Bruins ng Netherlands, Cheong Keing Weng Dex at Melvin Wong Yaohan ng Singapore, Andre dos Santos ng Brazil, Samir Hajazi ng Syria, Isha Bi Abedalaziz ng Jordan at Sergey Yakovlev ng Russia.

Ang unang limang dua­thle­tes na tatapos sa elite divisions ang aabante sa World Games.

Bukod ito sa pagtanggap ng gantimpala na ini­­laan ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) na may basbas ng Asian Triathlon Confederation (ASTC) at may suporta ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Tourism Department at suportado ng Phlippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Fitness First, Asian Centre for Insulation Philippines (ACIP), Standard Insurance at Gatorade.

 

AI UEDA

ASIAN CENTRE

ASIAN DUATHLON CHAMPIONSHIPS

ASIAN TRIATHLON CONFEDERATION

BAGAMAT ASIAN DUATHLON

BUKOD

CENTURY TUNA

CHEONG KEING WENG DEX

ELITE DUATHLON WORLD CHAMPIONSHIPS

WORLD GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with