^

PSN Palaro

Reyes, 3 pa umusad; Bustamante laglag na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang kinang ng dating kampeon na si Efren “Bata” Reyes, Dennis Or­collo,Ronato Alcano at Jose Parica nang manalo pa sa winner’s group sa idina­daos na 37th Annual US Open 9-Ball Cham­pionship sa Holiday Inn sa Virginia Beach, USA.

Si Reyes na kampeon noong 1999, ay nanaig kay Thorsten Hohmann ng Germany, 11-9, para ma­katapat ang two-time defending champion na si Darren Appleton ng Great Britain sa fourth round.

Si Orcollo ay nanalo kay Mark Gray ng Great Britain, 11-7; si Alcano ay kuminang kay David Alcaide ng Spain, 11-10, at si Parica ay nangi­babaw kay Donny Mills ng USA, 11-9.

Natalo naman si Santos Sambajon kay Fil-Canadian Alex Pagulayan, 9-11, upang malaglag na sa loser’s bracket.

Samantala, unang nasibak sa hanay ng mga Pinoy ay si Francisco Bustamante ng lumasap ng dalawang kabiguan.

Nalaglag si Bustamante sa loser’s side kay Mika Immonen ng Finland, 8-11, bago namaalam kay War­ren Kiamco sa dikitang 10-11 iskor.

Palaban pa rin si Carlo Biado nang manalo kay Brett Stottlemyer, 11-7, sa loser’s side. Bumaba si Biado sa loser’s side ng matalo kay Tom D’Alfonso ng Italy, 7-11.

BALL CHAM

BRETT STOTTLEMYER

CARLO BIADO

DARREN APPLETON

DAVID ALCAIDE

DENNIS OR

DONNY MILLS

FIL-CANADIAN ALEX PAGULAYAN

FRANCISCO BUSTAMANTE

GREAT BRITAIN

KAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with