^

PSN Palaro

PCSO anniversary race itatakbo rin sa linggo 5 kabayo tampok sa pagbabalik ng PSA Cup

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang kabayo ang maglalaban-laban sa pag­babalik ng Philippine Sportswriters’ Association  (PSA) Cup bilang bahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office 78th Anniversary sa Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ang mga kasali ay ang Purple Ribbon (V Dilema), Arvin Dugo (JB Bacaycay), Hi Money (Pat Dilema), Pleasantly Perfect (JB Hernandez) at Si Senor (JT Zarate).

Sa 1,600-metro ang distansya ng karera at walang itulak-kabigin sa mga kalahok dahil halos magkakasukat ang kanilang angking husay at lakas kaya’t sa diskarte ng nakasakay na hinete inaasahang magkakatalo ang mga kalahok.

Sina PSA President Rey Bancod ng Tempo ang inaasahang dadalo sa awarding ceremony kasama si PCSO General Manager at dating Philippine Racing Commission (Philracom) chairman Atty. Jose Ferdinand M. Rojas II.

Ang PSA Cup na napahinga sa loob ng dalawang taon, ay isa sa dalawang tampok na karera sa pagtatapos ng pista sa nasabing race track.

Itatakbo rin ang PCSO Anniversary Race na sasalihan ng anim na kabayo na Machine Gun Mama (P Dilema), Seni Seriyorum (Red de Leon), Quaker’s Hill (JA Guce), Pinay Beauty (MA Alvarez), Madam Theresa (JT Zarate) at Pugad Lawin (JB Guce).

Ang mga kikitain sa PSA Cup ay igugugol sa ibang programa ng pinakamatandang asosasyon sa sportswriting habang ang pondong malilikom sa PCSO Race ay ilalaan para sa Pugad Lawin Philippines na isang organisasyon na nagsasagawa ng medical at dental missions at nagbibigay ng scholarships sa mga mag-aaral na nasa pampublikong paaralan.

vuukle comment

ANNIVERSARY RACE

ARVIN DUGO

GENERAL MANAGER

GUCE

HI MONEY

JOSE FERDINAND M

MACHINE GUN MAMA

MADAM THERESA

P DILEMA

PAT DILEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with