^

PSN Palaro

Middle East training camp: Azkals, Bahrain tabla

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Gumawa uli ng kasaysayan ang Philippine Azkals sa una sa dalawang laro sa sampung araw na Middle East Training Camp nang hiritan ng scoreless 0-0 draw ang Bahrain na nilaro noong Biyernes sa Al Muharraq Stadium, Bahrain.

Naipakita ng batang Azkals ang kanilang pangil nang sabayan ang laro ng mas tinitingalang katunggali sa football upang maire­histro ang kauna-unahang pagtabla ng Pilipinas sa katunggali na mas mataas ang seeding.

Ang Bahrain ay may FIFA ranking na 115 at ang pinakamataas na naabot ay sa 44th place noong 2004 habang ang Pilipinas ay nasa ika-147th na siyang pinakamataas na naabot sa kasaysayan.

Ang scoreless draw ay nangyari matapos pagha­rian ng Pilipinas ang 1st Philippine Peace Cup para sa kauna-unahang kam­peo­nato ng bansa sa sport 99 taon ang nakalipas.

Lumipad ang koponan kahapon patungong Kuwait para sa isa pang friendly game sa Oktubre 17 sa Kuwait City.

Inaasahang makaka­sama na ng Azkals ang magkapatid na sina Phil at James Younghusband na hindi nakaalis dahil may naunang pinagkaabalahan.

Ang mga larong ito ay bahagi ng paghahanda ng Azkals para sa AFF Suzuki Cup sa Bangkok, Thailand sa Nobyembre.  

AL MUHARRAQ STADIUM

ANG BAHRAIN

AZKALS

BAHRAIN

JAMES YOUNGHUSBAND

KUWAIT CITY

MIDDLE EAST TRAINING CAMP

PHILIPPINE AZKALS

PHILIPPINE PEACE CUP

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with