^

PSN Palaro

Ph Azkals masusubok ngayon vs Bahrain

- AT - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bubuksan ngayon ng Philippine Azkals ang ka­nilang Middle East Training Camp sa pagharap sa Bahrain sa isang friendly game sa Manama, Bahrain.

Sariwa ang Azkals sa pagkapanalo sa 1st Philippine Peace Cup at gagamitin ang 10-araw na training bilang bahagi ng paghahanda para sa paglahok sa 2012 Suzuki Cup sa Bangkok, Thailand sa Nobyembre.

Hindi magagamit ng koponan ang serbisyo nina Phil at James Younghusband dahil hindi sila nakalipad sa takdang araw dala ng may naunang pinagkaabalahan.

Matatandaan na wala sa line-up ang magkapatid sa Peace Cup dahil may mga nauna silang commitment. Pinabalik sila sa Camp na ito pero nakasama sila sa Loyola Sparts na naglaro sa Singapore kaya’t naantala ang kanilang paglipad patu­ngong Bahrain.

Wala rin si Demitrius Omphroy dahil kalalabas lamang niya sa ospital dulot ng diarrhea pero tiyak na makakasabay ang koponan sa Bahrain lalo pa’t nakasanayan na rin nila ang klima at palaruan dahil sa maagang pagdating.

vuukle comment

AZKALS

BAHRAIN

DEMITRIUS OMPHROY

JAMES YOUNGHUSBAND

LOYOLA SPARTS

MIDDLE EAST TRAINING CAMP

PEACE CUP

PHILIPPINE AZKALS

PHILIPPINE PEACE CUP

SUZUKI CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with