MANILA, Philippines - Lilinawin ni UAAP Commissioner Ato Badolato ang kontrobersyal hinggil sa nangyari sa Game One ng 75th UAAP men’s basketball finals sa pagitan ng four-peat champions Ateneo at University of Santo Tomas sa kanyang pagdalo sa PSA Forum ngayong umaga sa Shakey’s Malate.
Tinuligsa ni UST coach Pido Jarencio ang officiating sa series opener ng kanilang best-of-three title duel ng Ateneo noong Sabado.
Tinalo ng Blue Eagles ang Growling Tigers, 83-78.
Makakasama ni Badolato sa sports forum na isinasaere sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng Smart, Philippine Amusements and Gaming Corporation at Shakey’s sina FilOil Flying V general manager Joey Guillermo ng 2012 IPPCA Pre-Season Football Cup at ang NAASCU champion St. Clare na pamumunuan nina school president Dr. Jay Adalem at head coach Janno Manansala.