Nowitzki nagbida sa Mavericks

BERLIN - Umiskor si German basketball star Dirk Nowitzki ng 8 points para tulungan ang 2011 NBA champions Dallas Mavericks sa 89-84 panalo laban sa Berlin Alba sa isang exhibition game.

Nakita lamang ang 34-anyos na si No­witzki sa second half sa harap ng 14,000 ma­nonood sa 02 World, habang tumipa sina cen­ter Chris Kaman at point guard Darren Col­lison ng tig-14 points para sa Mavericks.

Sa huling 11.9 segundo, nagsalpak si No­witzki ng dalawang freethrows para sa 88-84 abante ng Mavericks.

Show comments