^

PSN Palaro

Pangasinan handa na sa 2012 POC-PSC Batang Pinoy

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sisimulan bukas ang Nor­thern Luzon leg ng 2012 POC-PSC Batang Pi­noy Games sa Narciso Ra­mos Sports and Civic Cen­ter sa Lingayen, Panga­sinan.

Itatampok ang talento ng mga batang may edad 15-anyos pababa na sasa­bak sa 12 sports events.

Ang mga sports events na nakalatag sa ikat­long leg ng Batang Pi­noy ay ang arnis, athletics, bad­min­ton, boxing, chess, ka­ratedo, lawn tennis, swim­ming, taekwondo at table tennis.

Isasabay din ang natio­nal finals sa cycling at ba­seball.

“Besides showcasing young athletes with exceptional talent, the Batang Pi­noy Games here is a glimpse of future national team members capable of winning medals in inter­national tournaments,’’ ani Pa­ngasinan Governor Ama­do T. Espino, Jr.

Kabuuang 300 atleta ang ipaparada ng Panga­si­nan bukod pa sa mga de­legasyon ng Alaminos at Dagupan.

Maglalahok din ng mga atleta ay ang Ba­­guio Ci­ty, La Union, Bu­lacan, Pam­panga, Zam­bales, Nue­va Ecija, Ca­gayan, Isa­bela, Nueva Vis­caya at Ilocos.

Sa Oriental Mindoro ida­raos ang Southern Luzon leg sa Oktubre 24-27 at ang Mindanao leg ay ga­gawin sa Cagayan De Oro sa Nobyembre 7-10 ka­sunod ang Tacloban.

BATANG PI

CAGAYAN DE ORO

GOVERNOR AMA

LA UNION

NARCISO RA

NUEVA VIS

SA ORIENTAL MINDORO

SHY

SOUTHERN LUZON

SPORTS AND CIVIC CEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with