Howard nanibago sa unang araw sa Lakers
EL SEGUNDO, California - Itinuwid ni Dwight Howard ang kanyang bagong gold jersey at sumama sa kanyang mga teammates para sa isang group photo, nagbibiro at tumatawa habang binabanggit ang salitang ‘cheese.’
Ang superstar center ay isang eight-year NBA veteran, ngunit tila ito ang unang araw niya sa eskuwelahan.
Sisimulan ni Howard ang kanyang bagong NBA education mula sa Los Angeles Lakers at kay Kobe Bryant na gustong turuan si Howard na nais din namang matuto.
“I know he’s going to be tough on me, but I expect that, and I want him to be that,” sabi ni Howard.
Isinuot nina Howard at Bryant ang kanilang gold uniforms sa unang pagkakataon matapos buksan ng Lakers ang kanilang training camp na may bagong line up at malaking inaasahan.
Matapos ang dalawang seasons na nagtapos sa kanilang kampanya sa second round ng playoffs, gumawa ng pagbabago sa offseason sina Los Angeles general manager Mitch Kupchak at owner Jim Buss para sa target nilang pang 17 NBA championship.
Makakasama nina Bryant at Howard sa Lakers sina two-time NBA MVP Steve Nash, Pau Gasol at World Peace bukod pa kina Antawn Jamison, Chris Duhon, Steve Blake, Jordan Hill at Jodie Meeks.
- Latest
- Trending