Reyes huhugot ng shooting coach sa US
MANILA, Philippines - Naghahanap si Smart Gilas II coach Chot Reyes ng isang shooting coach upang hasain pa ang mga shooters sa kanyang koponan.
Nasa US si Reyes sa ngayon ay inaasinta niyang kunin ang alinman kina dating national player Chip Engelland o ang dating Los Angeles Lakers guard Mike Penberthy para maging shooting coach ng Pambansang koponan.
Si Engelland ang pangunahing kamador ng Pambansang koponan na hinawakan ni American coach Ron Jacobs.
Matapos ang kanyang playing career, kinuha siya ng mga NBA players na sina Grant Hill, Steve Kerr, Corey Maggette, Chamique Holdsclaw at Shane Battier bilang kanilang shooting coach.
Sa ngayon, ang 6’1 na si Engelland ay kabilang sa San Antonio Spurs.
Sa kabilang banda, si Penberthy na kasama sa Lakers champion team noong 2000-01 season, ang siyang tumulong para mas humusay ang Letran guard na si Kevin Alas sa kanyang pagbuslo.
Ang 37-anyos na si Penberthy rin ang nagtuturo kay Fil-Am Matt Ganuelas na nakasama sa Gilas na naglaro sa Jones Cup at FIBA Asia Cup.
- Latest
- Trending