^

PSN Palaro

Weiss nahaharap sa bagong problema

- AT - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matapos ang tagumpay na nakuha ng Azkals sa 1st Philippine Peace Cup na natapos noong Sabado ng gabi, isang bagong problema ang kakaharapin ni coach Hans Michael Weiss.

Ang problema niya na dapat na madesisyunan bago ipadala ang koponan sa 2012 AFF Suzuki Cup sa Nobyembre sa Bangkok, Thailand ay kung palalaruin pa ba o hindi sa koponan ang mga Fil-Foreigners na hindi nasama sa koponan.

“We now have quality of players and new players who can make an impact. We will now have to see if we still need to bring in Fil-Foreign pros who are jet lag for a tournament or only tap them when they are 100% ready,” wika ni Weiss.

Kailangang pag-aralan ni Weiss ang sitwasyon matapos dominahin ng ba­gong mukha ng Azkals ang Peace Cup gamit ang 3-0 sweep.

Sa unang laro lamang napahirapan ang Pambansang koponan nang nailusot ang 1-0 panalo sa Guam bago inilampaso ang Macau (5-0) at Chinese Taipei (3-1) upang maibigay sa Pilipinas ang kauna-unahang international football title na huling nangyari sa Far East Games noong 1913.

Wala sa koponan ang mga Fil-Europeans sa pa­ngunguna ni goal keeper Neil Etheridge at ang mahu­husay na magkapatid na sina Phil at James Young­husband pero lumutang ang mga baguhang sina Den­nis Wolf, Patrick Anthony Reichelt at 18-anyos Fil-Am OJ Porteria na nagsanib sa pitong goals sa torneo.

Si Wolf ang hinirang sa Golden Boot Award matapos ang nangungunang apat na goals na kinatampu­kan ng hat trick laban sa Macau.

Nakaiskor din ang team skipper na si Chieffy Calig­dong at siya, si Wolf at Por­teria ay nanggaling sa magkakaibang panahon na nagbibigay ng magandang senyales sa kinabukasan ng koponan.

“Our objective was to build the core players here in the country. We have reached our goal because we now have a solid base of at least 20 players,” dagdag ng German coach.

Magpapatuloy naman ang intensibong pagsasanay ng koponan sa Oktubre sa pagharap sa mga international friendly games laban sa Bahrain at Kuwait sa Oktubre 12 at 16.

May plano rin na magsagawa ng training camp sa Japan at harapin ang Singapore sa Nobyembre 15 sa isa pang friendly game sa bansa.

Ang lahat ng ito ay na­ka­tutok sa inaasam na ma­tagumpay na paglalaro sa Suzuki Cup at nais ng Azkals na mahigitan ang pagpasok sa semifinals noong 2010 edisyon.

AZKALS

CHIEFFY CALIG

CHINESE TAIPEI

FAR EAST GAMES

GOLDEN BOOT AWARD

HANS MICHAEL WEISS

JAMES YOUNG

KOPONAN

SHY

SUZUKI CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with