70k runners tumakbo sa Run, Ride & Roll for the Pasig River
MANILA, Philippines - Mahigit sa 70,000 katao ang nakiisa para linisin ang Ilog Pasig sa pagtakbo sa “09.30. 2012 Run, Ride & Roll for the Pasig River” sa kabila ng matinding pagbuhos ng ulan sa Quezon City kahapon.
Mahigit sa 87,000 naman ang nagparehistro sa advocacy event na popondahan ang rehabilitasyon ng mga estero sa Quezon City.
Mas mataas ito kum-para sa 86,547 na sumali sa “11.20.2011 Run for the Pasig River” na siyang pinakamalaking racing event sa bansa noong nakaraang taon.
“Ang dami pa ring tao kahit na umulan. Silang lahat, tumakbo at nag-bike sa ulan kahit na basang-basa na. Ipinapakita nito ang prinsipyo at kagustuhan nilang linisin ang Ilog Pasig,” pahayag ni Gina Lopez, ang managing director ng ABS-CBN Foundation na namamahala sa KBPIP.
Tinatayang 86,000 ang nagpatala sa 5km race na siyang nagsimula sa Quezon Memorial Circle (QMC) patungong Tandang Sora Flyover at Luzon Avenue, at pabalik sa QMC.
- Latest
- Trending