^

PSN Palaro

Phl Blu Boys target ang Japan sa AMSC

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Talunin ang Japan ang siyang ultimong adhikain ng men’s softball team sa pagdayo nila sa Niimy City sa Okayama, Japan sa susunod na buwan para lumahok sa Asian Men’s Softball Championship.

Ang torneong gagawin mula Oktubre 25 hanggang 28 ay lalahukan ng anim na bansa at isang qualifying event para sa World Men’s Championship sa New Zea­­land sa 2013.

Tatlong koponan ang aabante sa World championship at nakikita ng pamunuan ng ASAPhil na papasok pa rin ang Pilipinas.

Kaya’t ang misyon nila ay ang patikimin ng kabiguan ang Japan na siyang laging kampeon sa torneo.

Ang iba pang kasali ay ang Indonesia, Singapore, Hong Kong at India at ang mga kasali ay dadaan sa single round robin upang madetermina ang apat na mangungunang koponan na haharap sa Page System para malaman naman kung sino ang maglalaban sa Finals.

Ang Indonesia ay isa sa mga malakas na koponan sa South East Asia. (RMP)

ANG INDONESIA

ASIAN MEN

HONG KONG

KAYA

NEW ZEA

NIIMY CITY

PAGE SYSTEM

SOFTBALL CHAMPIONSHIP

SOUTH EAST ASIA

WORLD MEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with