UP bets dinomina ng Ateneo shooters
MANILA, Philippines - Dinomina ng mga Ateneo shooters ang mga University of the Philippines bets matapos walisin ang 12 medalya sa 1st PNSA-NYDP inter-collegiate competitions sa PSC-Marines range sa Fort Bonifacio noong Linggo.
Sinimulan nina Mara Miano ng women’s rifle team at Alexandra Dayrit ng pistol squad ang ratsada ng Ateneo matapos umiskor ng 346 points at 341 points, ayon sa pagkakasunod, para angkinin ang dalawang gold medal.
Ang iba pang Ateneo gold medalists ay sina Nathaniel Culiat (10-meter men’s rifle event) at Johan Alcantara (10-meter men’s air pistol).
Ang nag-iisang UP shooter na nakakuha ng medalya ay si Nanessa Dimaano, nagtala ng 328 para sa bronze medal sa women’s pistol event.
“All of the participants --32 students from both schools--competed and did well,” wika ni reigning national pistol champion Nathaniel “Tac;” Padilla, ang general manager ng Spring Cooking Oil at chairman ng NYDP (National Youth Development Program).
“Based on their showing, the PNSA-NYDP can expect to develop more new faces in the Olympic sport of shooting. I would like to credit coaches Danny Flores (Ateneo) and Roland Maliwanag and Jay Sarmiento (UP) for training and preparing the young shooters well,” dagdag pa ni Padilla.
Naglahok ang Ateneo ng 20 sa 32 shooters na nakita sa aksyon.
Inaasahan ni Padilla na ang event ay magiging isang regular na torneo ng PNSA-NYDP na ang pangalawang edisyon ay posibleng idaos sa Disyembre.
- Latest
- Trending