Batang Pinoy NCR leg dinomina ng Manila, 4 gold kay Caranyagan
MANILA, Philippines - Apat na gintong medalya ang isinulong ni Carlo Caranyagan sa chess event para sa matagumpay na kampanya ng Marikina sa pagtatapos ng National Capital region leg ng POC-PSC Batang Pinoy 2012 kahapon sa Marikina Sports Complex.
Dinomina ng 14-anyos na si Caranyagan, isang high school student sa Arellano University, ang individual rapid at standard events at miyembro ng nagharing Marikina rapid at standard teams.
Nakawala sa mga kamay ni Caranyagan ang ginto sa blitz event na pinagwagian ni Melwyn Kenneth Baltazar ng Caloocan, isang high school sophomore ng NCAA juniors champion Letran.
Tatlong gold medals naman ang sinikwat ng 11-anyos na si Jesca Docena ng Pasay City sa girls’ 15-and-under standard, rapid at blitz events.
Si Docena ay kapatid ni Jedara na miyembro ng women’s team na sumabak sa nakaraang World Chess Olympiad sa Istanbul, Turkey.
Sina Caranyagan at Docena ay maglalaro sa Batang Pinoy National Finals sa Iloilo City sa Disyembre 5-8.
Makakasama ng da-lawang chess players si trackstar Vincent Nabong ng Manila at sina swimmers Kristen Chloe Daos at Raissa Gavino ng Quezon City.
Si Nabong ay nagtakbo ng limang gintong medalya sa athletics para sa kabuuang 20 gold, 16 silver at 14 bronze medals ng Manila sa ilalim ng Marikina (23-12-12), habang tig-anim naman ang nilangoy nina Daos at Gavino para sa 23-23-13 medal haul ng QC.
Sa national finals ng girls volleyball, tinalo ng Pangasinan ang Rizal, 15-25, 21-25, 25-15, 26-24, 15-10, para sa gold medal, habang binigo ng Makati ang Pasay, 25-10, 25-17, upang kunin ang bronze.
- Latest
- Trending