MANILA, Philippines - Ilalahad ni team owner Mikee Romero ang magiging kampanya ng Global Port sa darating na 38th season ng PBA sa kanyang pagdalo sa PSA Forum ngayong umaga sa Shakey’s Malate.
Makakasama ni Romero sina Batang Pier Willie Miller at Rabeh Al-Hussaini sa sesyon na inihahandog ng Smart, Shakey’s at ng Philippine Amusements and Gaming Corporation.
Magiging bisita din ang mga opisyales ng Shell National Active Chess Championship Finals na sina Pilipinas Shell social investment manager Jackie Ampil at media relations manager Toby Nebrida.
Magsisimula ang naturang session sa alas-10:30 ng umaga.