^

PSN Palaro

Saints dumiretso na sa Final Four sa NAASCU cagefest

- The Philippine Star

MANILA, Philippines – Balanseng atake uli ang nakita sa namamayagpag na St. Clare tungo sa 100-69 paggapi sa Our Lady of Fatima University sa 12th NAASCU men’s basketball noong Linggo sa C.P. Tinga Gym sa Hagonoy Taguig.

Sina Jeff Viernes, Eugene Torres, Robin Dulalia at Denis Santos ay nagsa­nib sa 51 puntos upang itulak ang Saints sa kanilang ikasiyam na sunod na panalo na nagbigay din ng tiket para sa Final Four.

Kung sakaling makum­pleto ng Saints ang pagwalis sa 12 laro sa eliminasyon, sila ay aabante na sa best of three finals at ang maiiwang apat na ko­ponan ang maglalaban-laban para sa ikalawang puwesto sa finals gamit ang step-ladder semifinals.

Nanalo rin ang Centro Escolar University at STI College sa kanilang mga laro upang makatiyak na rin ng puwesto sa semifinals.

Tinalo ng CEU ang New Era Univesity, 84-48, habang ang Olympians ay nangibabaw sa AMA Computer University, 92-71,

Ang ikaapat at hu­ling puwesto sa semis ay ma­initang paglalabanan ng OLFU, AMACU at NEU.

ST. CLARE 100 --Viernes 14, Torres E. 13, Dulalia 13, Santos 11, Gil 8, Lunor 6, Mercado 6, Cruz 6, Diswe 5, Jamito 4, Manguelod 4, Baylen 3, Ambulodto 3, Torres P. 2, Janobas 2.

OLFU 69--Jornacion 16, Banaria 14, Rosales 9, Pineda 8, Datu 6, Villalon 6, Jimenez 4, Ignacio 4, Antalan 2, Valdevilla 0, Ananayo 0.

Quartercores: 27-12, 53-22, 81-38, 100-69.

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

COMPUTER UNIVERSITY

DENIS SANTOS

EUGENE TORRES

FINAL FOUR

HAGONOY TAGUIG

NEW ERA UNIVESITY

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

ROBIN DULALIA

SINA JEFF VIERNES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with