^

PSN Palaro

Knights, Blazers mag-uunahan sa krusyal na panalo Stags maghihiganti laban sa Cardinals

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Balikan ang isa sa dalawang koponan na tumalo sa kanila sa first round ang nakatatak sa isipan ng San Sebastian sa pagharap ngayon sa Mapua sa pagpapatuloy ng 88th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

May 10-3 karta sa nga­yon ang Stags pero ang isa sa kabiguang kanilang nilasap ay ang 61-54 pangi­ngibabaw ng Cardinals sa unang ikutan.

Ang laro ay magsisimu­la sa ganap na alas-4 ng hapon at kailangan ng tropa ni interim coach Allan Trinidad na manalo upang manatiling nakadikit sa nangungunang San Beda (11-2).

Sasalang din ang host Letran laban sa St. Benilde sa ikalawang laro dakong alas-6 at kailangang manaig ang Knights upang ma­natiling nakadikit sa Per­petual at Jose Rizal Uni­versity na nasa ikatlo at apat na puwesto sa 5-8 baraha.

May 7-6 record ang Knights na inilampaso ang Lyceum, 76-60, sa huling asignatura.

“Ito na ang simula ng to­tohanang laro para sa amin. Actually itong hu-ling limang laro namin ay talagang mabibigat na at kailangang maipanalo namin para maging palaban sa twice-to-beat sa Final Four,” ani Trinidad na sunod na haharapin ang Letran, Jose Rizal University, Perpetual Help at San Beda na pawang nasa top four ng liga.

May 5-8 karta ang Car­dinals ngunit tiyak na gagawin nila ang lahat ng makakaya para manalo laban sa Stags at manatiling palaban sa paghahabol sa puwesto sa semifinals. (AT)

vuukle comment

ALLAN TRINIDAD

FINAL FOUR

JOSE RIZAL UNI

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LETRAN

PERPETUAL HELP

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with