^

PSN Palaro

2012 World chess olympiad respetadong pagtatapos asam ng pinoy Chessers vs Romania

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pagsisikapan ngayon ng Philippine chess team na makapagtala ng pi­na­kamataas na pagtatapos sa World Chess Olympiad sa pagbangga sa Romania sa ika-11th at huling round ng kompetisyon sa Istanbul, Turkey.

Ang Pinoy chessers na No. 35 ay kasalo sa ika-9th hanggang 15th puwesto matapos ang 2-2 tabla sa Vietnam noong Biyernes.

Kasalo sa puwesto ng Na­tionals ay ang ninth seed Netherlands, Vietnam, Romania, Argentina, Uz­bekistan at Slovenia bit­bit ang 14 puntos.

Mas mataas ang see-ding ng Romania sa 25th at mas mataas ang ka-nilang average rating sa 2600 laban sa 2546 ng Pilipinas.

Ngunit tiyak na lalaban nang husto ang mga pambato na sina GMs Wesley So, Oliver Barbosa, Eugene Torre at Mark Paragua laban kina GMs Constantin Lupulescu, Mircea-Emilian Parligras, Levente Vajda, Vladislave Nevednichy.

Ang seventh place na pagtatapos ng Pilipinas ay nangyari noong 1988 sa Thessaloniki, Greece.

Ang China, Russia at Armenia ang siyang nag-lalaban-laban sa unang puwesto.

Sa women’s division, tumabla ang mga Pinay sa Malaysia, 2-2, para manatiling kasalo sa 39th place.

ANG CHINA

ANG PINOY

CONSTANTIN LUPULESCU

EUGENE TORRE

LEVENTE VAJDA

MIRCEA-EMILIAN PARLIGRAS

OLIVER BARBOSA

PILIPINAS

ROMANIA

VLADISLAVE NEVEDNICHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with