Panalo nagpalakas ng tsansa sa Final Four, Generals binawian ang Altas
MANILA, Philippines - Bumangon ang Emilio Aguinaldo College mula sa isang 17-point cdeficit para talunin ang University of Perpetual Help System Dalta, 73-71, at makasilip ng pag-asa sa Final Four sa 88th NCAA basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Nagsalpak ang Generals ng season-high 15 triples, kasama dito ang anim sa fourth quarter, laban sa Altas.
May 5-8 record ngayon ang EAC katabla ang Mapua at Arellano sa ilalim ng nagdedepensang San Beda (10-2), San Sebastian (10-3), Jose Rizal (8-4), Perpetual (8-5) at Letran (7-6) kasunod ang St. Benilde (4-9) at sibak nang Lyceum (2-11).
Umiskor si Jan Jamon ng 20 points na tinampukan ng kanyang anim na triples para sa Generals.
Maliban kay Jamon, sinagip rin nina John Tayongtong at Franz Chiong ang EAC nang magtangkang makabawi ang Perpetual sa dulo ng final canto.
Nabigo ang Altas na duplikahan ang kanilang come-from-behind 72-71 win kontra sa Generals noong Hulyo 28 nang sumablay ang tangkang tres ni Jett Vidal sa pagtunog ng final buzzer.
Naglista si sophomore Earl Thompson ng 17 points, 7 boards, 5 assists at 4 steals para sa Perpetual, ibinaon ang EAC sa 54-37 sa third period, samantalang tumapos si Vidal na may 15 markers.(Russell Cadayona)
EAC 73- Jamon 20, Paguia 11, Tayongtong 10, Monteclaro 6, Happi 6, Morada 5, King 5, Chiong 5, Yaya 3, Sanchez 2, Munsayac 0.
Perpetual 71- Thompson 17, Vidal 15, Allen 13, Omorogbe 10, Alano 8, Paulino 3, Arboleda 3, Jolangcob 2, Babayemi 0, Elopre 0.
Quarterscores: 14-15; 33-41; 50-56; 73-71.
- Latest
- Trending






















