^

PSN Palaro

Pinoy paddlers humataw pa ng 3 gold, European countries 'di nakaporma

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Tinapos ng Philippine dragonboat team ang pro­duktibong kampanya sa International Canoe Fe­deration (ICF) World Dra­gon Boat Championships taglay pa ang tatlong ginto na nangyari noong Linggo ng gabi sa Idroscalo Club sa Milan, Italy.

Inilampaso ng Pamban­sang koponan ang hamon ng mga European countries sa pangunguna ng Russia sa 200m distansya para wakasan ang pagpapakita ng husay gamit ang anim na ginto at isang pilak na medalya.

Ang 10-man men’s team ay naorasan ng 50.07 segundo para talunin ang Russia na mayroong 51.120 segundo.

Sunod na nagdomina ang 20-man mixed team sa naitalang 44.486 segundo bago tinapos ang laban sa isa pang ginto sa 10-man mixed team sa 52.419 se­gundo.

Ang Russia rin ang pu­mangalawa sa mga events na ito sa naisu­miteng 45.329 at 53.739 segundo.

Pumangatlo naman ang mga Americans sa inilistang 54.569 segundo.

Bago ito ay nagdomina muna ang koponang inila­hok ng Philippine Canoe Federation (PCF) sa 10-man at 10-mixed sa 500m distance at 10-man sa 2000m distance.

“You are simply awesome. Russia did not see you coming and also you have reminded all of us that there is such a country as Philippines in the map,” wika ng Canadian head of delegation kay Philippine Canoe/Kayak Federation Secretary-General Jonne Go.

Ang nakalusot sa sa­na’y sweep ay sa 20-mixed sa 500m race nang nalagay lamang sa ikalawang puwesto ang bansa.

Sa pangyayari, ang Pilipinas ang lumabas bilang pinakamahusay na kopo­nan sa 14 na naglaban.

Ang 25-man delegation ay babalik ng bansa nga­yong araw.

ANG RUSSIA

BOAT CHAMPIONSHIPS

DRA

IDROSCALO CLUB

INILAMPASO

INTERNATIONAL CANOE FE

KAYAK FEDERATION SECRETARY-GENERAL JONNE GO

PHILIPPINE CANOE

PHILIPPINE CANOE FEDERATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with