^

PSN Palaro

Heavy Bombers, Altas palalakasin ang kapit sa No. 2

- ATan - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Magkakaroon ng pag­kakataon ang Jose Rizal University at Perpe­tual Help na ma­kasalo uli sa ika­lawang puwesto kung ma­nanalo sa kanilang hiwa­lay na laro sa 88th NCAA men’s basketball nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

May 7-3 karta ang Hea­vy Bombers at Altas kaya’t kung mananalo sa Mapua at Letran ayon sa pagkakasunod ay aangat sila upang pantayan ang pahingang San Sebastian na may 8-3 ba­raha.

Naunsiyami sa huling laro sa kamay ng Arellano, 82-85, inaasahang totodo mu­li ang laro ng tropa ni coach Vergel Meneses laban sa Cardinals sa ganap na alas-4 ng hapon.

Galing din sa kabiguan ang Cardinals sa kamay ng Knights, 60-72, at kaila­ngan nilang manalo para hindi lumayo ang asam na pang-apat na puwesto.

Balikatan naman ang ma­gaganap na tagisan sa pagitan ng Altas at Knights sa alas-6 ng gabi.

Tumibay muli ang laban ng host Knights sa pagbabalik ng 6-foot-7 cen­ter na si Raymond Almazan na lumiban sa huling pitong laro ng koponan.

Tumapos ang manlala­ro na hinirang bilang Most Im­proved Player noong na­karaang season, na may 4 points, 6 assists at 1 block.

“Gusto kong bumalik pa­ra tulungan ang team sa kahit paanong paraan,” wi­ka ni Almazan.

ALMAZAN

ALTAS

ARELLANO

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MOST IM

RAYMOND ALMAZAN

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SHY

VERGEL MENESES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with