UST, FEU nanatili sa No. 2 spot
Manila, Philippines - Nakita muli ang kinatatakutang pagbangon ng UST nang iuwi ang 58-57 overtime win laban sa host National University sa 75th UAAP men’s basketball kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Si Aljon Mariano ay may 18 puntos sa second half at walang pinakamalaking buslo rito kungdi ang kanyang pabandang tira para ibigay sa Tigers ang isang puntos na kalamangan sa 4.4 segundo sa extra period.
Natapos ang laro nang walang magandang buslo ang Bulldogs dahil tinutukan ng depensa si Bobby Ray Parks, Jr. para makatakas ang Tigers kahit napag-iwanan ng 17 puntos, 14-31, sa halftime.
Si Jeric Fortuna ang siyang nagpatabla sa regulation, 51-51, nang pumasok ang kanyang binitiwang tres may 1.6 segundo sa orasan.
Nagtapos si Mariano taglay ang 22 puntos, habang si Karim Abdul ay may 10 puntos at 10 rebounds at kinubra ng tropa ni coach Alfredo Jarencio ang 7-2 record para makatabla ang FEU.
Si Parks ay may 15 puntos at 11 rebounds para sa Bulldogs na ininda ang masamang shot selection sa endgame para malaglag sa ikalimang puwesto sa 5-4 karta.
Nauna rito, ay sinandalan ng FEU ang career game ni Terrence Romeo at husay sa endgame ni Arvie Bringas para kunin ang 76-68 panalo sa kinapos uling Adamson University.
Si Romeo ay gumawa ng career-high 27 puntos na nilakipan ng 7-of-11 shooting sa tres, habang si Bringas ay may pitong puntos sa pamatay na 18-3 palitan upang manalo ang Tamaraws kahit napag-iwanan sa 58-65 sa huling 4:56 ng labanan.
- Latest
- Trending