^

PSN Palaro

Army, Sandugo agawan sa itaas

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Magsusukatan ang nagdedepensang Philippine Army at Sandugo-SSC sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Open ngayon sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang larong ito ay iti­nakda dakong alas-6 at ang mananalo ang siyang mananatiling nasa unahan sa ligang inorganisa ng Sports Vision at may ayuda ng Shakey’s Pizza.

Parehong may 3-0 karta ang Army Ladies at Lady Stags kaya’t tiyak na magiging mahigpitan ang magaganap na tagisan.

Unang laro sa ganap na alas-2 ay sa hanay ng Ateneo at Cagayan bago sumunod ang tagisan ng Navy at FEU sa alas-4.

Nais ng Lady Eagles na manatili sa ikatlong puwesto sa pagpapa-ibayo sa kasalukuyang 2-1 ba­raha habang ang Rising Suns ay magbabalak na wakasan naman ang dalawang dikit na pagkatalo sa Sandugo at Army.

vuukle comment

ARMY LADIES

LADY EAGLES

LADY STAGS

NINOY AQUINO STADIUM

PHILIPPINE ARMY

RISING SUNS

SANDUGO

SHAKEY

SPORTS VISION

V-LEAGUE OPEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with