^

PSN Palaro

Chiefs pinasabog ang Heavy Bombers

- Angeline Tan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kinumpleto ni Rocky Acidre ang pagbibida para sa Arellano nang naisalpak ang dalawang mahahala­gang free throws sa hu­ling 8.2 segundo sa Chiefs tungo sa 85-82 panalo laban sa Jose Rizal University sa 88th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Tumapos si Acidre tag­lay ang 22 puntos at mayroon din siyang apat na tres na ibinuhos sa second half upang tulungan ang Chiefs na hawakan ang pinakamalaking bentahe sa laro na 15 puntos, 62-47, sa ikatlong yugto

Ang kanyang magkasu­nod na tres ang nagbigay ng 73-62 kalamangan sa 6:58 pero nagising ang Heavy Bombers at ang nakumpletong 4-point play ni Byron Villarias sa huling 15 segundo ang tumapyas sa kalamangan sa isa, 82-83.

“Back to back games na ganito ang ibinibigay niya sa akin. Last time ay starter siya but for this game ay off the bench siya dahil hinahanap ko na mabigyan ang team ng new look,” wika ni Chiefs coach Koy Banal na uma­ngat sa 4-6 baraha.

Naghanap ng bagong diskarte si Banal dahil sariwa sa kanyang alaala ang pagkakaroon lamang ng tatlong puntos sa huling laro laban sa Mapua na kanilang naisuko, 49-68.

Si John Pinto ay may 16 puntos, 7 assists, 3 rebounds at 3 steals bago inilabas dahil pinulikat ang kaliwang binti habang si James Forrester ay may 16 puntos at ang Chiefs kumamada ng 28 at 23 puntos sa second half.

Ito ang ikatlong pagka­talo ng Heavy Bombers laban sa pitong panalo at si Nate Matute ay mayroong 21 puntos pero nakuha niya ito sa mahinang 7-of-23 shooting.  

BYRON VILLARIAS

HEAVY BOMBERS

JAMES FORRESTER

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KOY BANAL

NATE MATUTE

PUNTOS

ROCKY ACIDRE

SAN JUAN CITY

SI JOHN PINTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with