4 na Pinoy fighters makikipagtagisan ng lakas sa One Fighting Championship
MANILA, Philippines - Apat na Filipino fighters na pinangungunahan ni local legend Eduard Folayang ang sasabak sa One Fighting Championship: Pride of Nation sa Agosto 31 sa Smart-Araneta Coliseum.
Makakatapat ni Folayang, isang Southeast Asian Games gold medalist sa wushu at kumakatawan sa Baguio-based Team Lakay, si Felipe Enomoto ng Japan at umaasang makakabawi sa kanyang kabiguan sa Singapore para mapaganda ang kanyang 11-2 (win-loss) record.
Ang 27-anyos na Filipino fighter, ang kasalukuyang welterweight champion sa Universal Reality Combat Championship, ay tatapat sa bigating si Enomoto na tumalo kay Ole Laursen sa ONE FC: Battle of Heroes sa Jakarta, Indonesia kamakailan.
“Ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko,” sabi ni Folayang.
Sasagupain naman ni URCC flyweight king Kevin Belingon si Korean Soo Chul Kim, habang sina Honorio Banario at Andrew Benibe ay maglalaban para sa URCC featherweight crown.
“I’m excited to see these four incredibly talented and highly skilled Filipino champions compete at ONE FC: Pride of a Nation.,” sabi ni ONE FC CEO Victor Cui sa www.mmamania.com.
Ang main bout ay magtatampok kina DREAM Champions Shinya “Tobikan Judan” Aoki at Bibiano “The Flash” Fernandes, samantalang maglalaban naman sina dating Ultimate Fighting Championship title-holders Andrei Arlovski at Tim Sylvia.
Mabibili na ang mga tiket sa TicketNet at sa www.ticketnet.com.ph at sa lahat ng TikcetNet na matatagpuan sa SM department store customer service area at sa Big Dome ticket booth.
Para sa iba pang detalye mag-log on sa www. ONRFC.com.
- Latest
- Trending