^

PSN Palaro

Approval na lang ng PBA board ang kulang para sa pagpasok ni Romero sa pro league

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang espesyal na board meeting ang nakatakdang idaos bukas ng Philippine Basketball Association ma­­tapos magsumite ang Sultan 900 Capital Inc. ni Mikee Romero ng mga ki­na­kailangang dokumento para sa pagbili sa prangkisa ng Powerade.

Nagkasundo sina Ro­mero at Coca-Cola top officials William Schultz at Ronnie Asuncion sa pres­yong P100 milyon para sa nasabing PBA franchise na unang inialok sa San Miguel Corporation.

Ang two-thirds vote (anim sa siyam na kopo­nan na hindi -kasama ang Powerade o ang pito sa 10 koponan na kabilang ang Powerade) ng league board ang kailangan ni Romero para mabigyan ng basbas ang kanyang pagpasok sa PBA.

Nauna nang naisumite ni Romero, humakot ng pitong sunod na korona sa likod ng Harbour Centre sa nabuwag nang Philippine Basketball League (PBL), sa PBA Office ng corporate profile ng Sultan 900 Capital Inc.

Sakaling tuluyan nang mabigyan ng basbas, gagamitin ng Sultan 900 Capital Inc. ang Global Port Batang Pier.

Ang Global Port ang ma­giging pinakabagong ko­­ponan sa pro league matapos ang Meralco, bumili sa Sta. Lucia Realty noong 2010.

Halos P60 milyon lamang nabili ng Meralco ang prangkisa ng Sta. Lucia.

Sa inaasahang pagpasok ng Global Port Batang Pier, makikita sa koponan sina Gary David, Jayvee Casio, Rabeh Al-Hussaini at Sean Anthony.

Sina Casio at Al-Hussaini ang hinirang na 2011 No. 1 at 2010 No. 2 overall pick, ayon sa pagkakasu­nod.

Kabilang naman sa mga pagpipilian ni Romero bilang head coach ng Batang Pier ay sina Bo Perasol, may kontrata pa sa Powerade, Junel Baculi, Jorge Gallent, Louie Alas at Glenn Capacio.

Samantala, isang two-year, P8.4 million contract ang pinirmahan ni two-time MVP Willie Miller para sa Barako Bull.

Maglalaro sa kanyang pang 12 season para sa darating na 38th season ng PBA sa Setyembre, patuloy na makakatanggap ang 5-foot-11 na si Miller ng buwanang suweldong P350,000 mula sa Energy.

Kasalukuyang nakiki­pag-ensayo ang 35-anyos na si Miller, ang 2001 top overall pick ng Red Bull, sa dati niyang tropang Alaska Aces.

Isang one-year contract-extension na nagkakaha­laga ng P4.2 milyon ang nilagdaan ni point guard Mike Cortez para sa Barangay Ginebra.

Maglalaro ang 31-anyos na dating La Salle ng kanyang pangatlong season sa Gin Kings at pang 10 season sa kabuuan sapul nang mahugot ng Aces bilang No. 1 overall noong 2003. (RC)

ALASKA ACES

ANG GLOBAL PORT

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BATANG PIER

BO PERASOL

CAPITAL INC

GLOBAL PORT BATANG PIER

POWERADE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with