MANILA, Philippines - Umalis na kahapon ang Energen Pilipinas Youth Team bitbit ang pag-asang makakapagbigay ng magandang laban sa 22nd FIB A-Asia U 18 Championships na gagawin sa Zulan Bator, Mongolia.
Ang torneo ay gagawin mula Agosto 17 hanggang 26 at ang Pilipinas ay nasa itinuturing na ‘group of death’ dahil kasama nila sa grupo ang malakas na Iran, Kazakhstan at Saudi Arabia.
Bubuksan ang kampanya ng koponang hawak ni Ol-sen Racela sa Biyernes laban sa Saudi Arabia bago isunod ang Kazakhstan sa Sabado at Iran sa Linggo.
Pakay ng koponan na higitan ang tinamong panlimang puwesto na pagtatapos sa Sana’A Yemen dalawang taon na ang nakalipas at si Eric Altamirano ang tumayong head coach ng delegasyon.
Ang Iran ay kampeon ng torneo noong 2004 at 2008 habang ang Kazakhstan ang pumangalawa noong 2008.
Ang mga manlalarong aasahan ni Racela sa pagkaka-taong ito ay sina team captain J-Jay Alejandro, Hubert Cani, Gideon Babilonia, Kristoffer Porter, Marc Olayon, Jerie Pinggoy, Jay Javelosa, Prince Rivero, Mario Bonleon, Kent Lao, Kyle Suarez at Rey Nambatac.
Ang China ang siyang paborito sa torneo at pangungu-nahan ang koponan nina Wang Zhelin at Zhou Qi , mga manlalarong huling natanggal sa mga nag-tryouts para sa London Olympics team.
Bukod sa host Mongolia at mga naunang bansang na-banggit, kasali rin sa labanan ang Korea, Japan, Chinese Taipei, Lebanon, Bahrain, Syria, Singapore, Hong Kong, India at Indonesian.
Ang mangungunang tatlong koponan matapos ang torneo ang siyang maglalaro sa FIBA World U-19 sa su-sunod na taon.