^

PSN Palaro

Azkals yuko sa Inferno

- ATan - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Umatake agad ang Chi­cago Inferno ng tatlong goals sa first half upang angkinin ang 3-1 panalo laban sa Philippine Azkals sa friendly game ng dalawang koponan kahapon sa Joe Bean Stadium ng Wheaton College sa Wheaton, Illinois.

Malamya ang panimula ng Azkals na sumasai­lalim sa 15 araw na training camp sa Wheaton College at agad na kinapitalisa ito ng Inferno na naglalaro sa Premier Development League.

Si Carl Haworth ang umiskor ng unang goal sa ikapitong minuto sa masamang depensa ni Jason Sabio bago umatake si Drew Jeskey ng dalawang goals sa 14th at 33rd minute.

Gumanda naman ang laro ng Azkals sa second half at si Carli de Murga ang nakaiskor para sa koponan sa 73rd minuto.

Ngunit hindi naman nagpabaya ang Infer­no at pinagtibay pa ang kanilang depensa para ma­nalo taglay ang dalawang goals na bentahe.

Ito ang una sa dalawang laro na susuungin ng Azkals habang nasa US at lumalaban ang koponan ng wala ang mga tinitingalang players sa pangunguna nina James at Phil Young­husbands at goal keeper Neil Etheridge.

Hindi naman dapat na ikalungkot ng mga panatiko ng Azkals ang pagkatalo dahil ito ay ginagamit ng koponan bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa Suzuki Cup sa Nobyembre sa Thailand.

AZKALS

DREW JESKEY

JASON SABIO

JOE BEAN STADIUM

NEIL ETHERIDGE

PHIL YOUNG

PHILIPPINE AZKALS

PREMIER DEVELOPMENT LEAGUE

SI CARL HAWORTH

WHEATON COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with