Closing ceremony ng London Olympics mas hitik sa sorpresa
LONDON--Pilit na isinisikreto ng mga namamahala sa closing ceremony ng London Olympics ang ipakikitang pagtatanghal sa Linggo.
May mga lumalabas na haka-haka na magtatanghal uli si Paul McCartney bukod pa kina Adele at tanyag na singer Kate Bush.
Ipapakita sa seremonya ang kasaysayan ng British pop kung paano ito nagsimula hanggang sa hinangaan sa kasalukuyan.
“It will be beautiful, cheeky, cheesy, camp, silly and thrilling,” wika ni David Arnold, composer ng limang James Bond theme songs, na siya ring kinuha bilang musical director sa seremonya.
“We’re trying to have moments where someone from (rural west England region) the Cotsworlds watching it on TV and someone from the tower block overlooking the East End will be able to find something in it of which they can say, ‘that’s us, really, that’s Britain,” wika ni Arnold sa panayam ng Daily Telegraph.
Si Roger Daltrey ng The Who ay nagsabi na nag-record na ang kanilang banda ng isang awit na patutugtugin sa closing ceremony.
Kahit si George Michael, ang 1980 pop icon, nagsabi sa kanyang twitter na siya ay nagsasanay para sa kanyang gagawin sa seremonya.
Anuman ang inihahandang pagtatanghal, tiyak na masisiyahan ang mga manonood tulad ng nangyari sa makulay at bonggang opening ceremony dalawa’t-kalahating linggo na ang nakalipas.
- Latest
- Trending