Dibaba 'di nagpahuli kina Bolt at Rudisha
LONDON--Matapos sina Usain Bolt at David Rudisha, si Tirunesh Dibaba ang nagpasikat sa Olympic Stadium.
Isang gabi matapos magtala ng bagong world record si Rudisha sa 800-meter run at kinumpleto ni Bolt ang pagdedepensa kanyang 100-meter at 200-meter sprint sa ikalawang sunod na Olympics, idinagdag naman ni Dibaba ang women’s 5,000 gold medal sa kanyang naunang 10,000 title na kanyang napanalunan noong nakaraang linggo.
Ang inaasahang magiging karibal ng world record holder mula sa Ethiopia ay si Vivian Cheruiyot ng Kenya, pumangatlo sa 10,000 noong Biyernes at No. 1 sa mundo sa 5,000 meters.
Ang kapatid na babae ni Dibaba na si Genzebe ay paborito naman sa 1,500 ngunit nagkaroon ng injury sa heats.
Sa kanyang pagkawala, si Abeba Aregawi ang babandera sa Ethiopia para sa kanilang unang ginto sa 1,500m.
Tatakbo ang 4x100-meter relay team ng Jamaica sa heats at hindi kasama si Bolt. Ngunit ang kanilang women’s team ang maaaring magdagdag sa kanilang medal tally.
Tatapusin naman ni double amputee runner Oscar Pistorius ang kanyang unang Olympics sa men’s 4x400-meter relay.
- Latest
- Trending