Joey Lim pumanaw sa edad na 51-anyos

MANILA, Philippines - Pumanaw na si basketball tournament organizer Jose Ma. Vicente ‘Joey’ Gana Lim IV dahil sa atake sa pu­so noong Linggo.

Ang nakatatandang kapatid ni dating Philippine Sports Commission Lady Commissioner at badminton star Amparo ‘Weena’ Lim ay 51-anyos.

Nakatakda ang burol bukas at sa Sabado sa Mt. Car­mel Church, New Manila.

Si Joey ay naging opisyal ng Philippine Basketball Lea­gue noong 1990’s hanggang 2010 at sa nakaraang li­mang taon mula noong 2007, siya ay naging abala sa pa­mamahala sa Fr. Martin Cup, isang preseason tournament para sa mga varsity teams sa collegiate, women at high school levels.

Show comments